Kooperasyong Sino-Cubano, isinusulong

2017-09-23 15:38:35

Kooperasyong Sino-Cubano, isinusulong

New York - Sa kanyang pakikipagtagpo Biyernes, Setyembre 22, 2017, sa kanyang Cuban counterpart na si Bruno Rodríguez Parrilla, muling ipinaabot ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang pakikiramay sa Cuba na sinalanta ng Hurricane Irma. Ipinahayag niya ang paniniwalaang sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Cuba at pamahalaan, tiyak na mapagtatagumpayan ng mga mamamayang Cuban ang kalamidad at mapapanumbalik ang normal na pamumuhay.

Tinukoy din ni Wang na sa harap ng masalimuot na kalagayang panrehiyon at pandaigdig, dapat palakasin ng Tsina at Cuba ang pagkokoordinahan at palalimin ang kanilang estratehikong relasyong pangkooperasyon. Patuloy aniyang kakatigan ng panig Tsino ang makatarungang usapin ng Cuba sa pagtatanggol ng soberanya ng bansa at pagtutol sa blokeyo ng Amerika.

Pinasalamatan naman ng panig Cubano ang ibinibigay na tulong ng Tsina sa pakikibaka nito laban sa kalamidad. Aniya, nitong ilang taong nakalipas, mainam ang pag-unlad ng relasyong Cubano-Sino, at walang humpay na sumusulong ang kanilang pragmatikong kooperasyon. Nagpahayag din siya ng pasasalamat ng partido, pamahalaan, at mga mamamayang Cubano sa ibinibigay na pagkatig ng Tsina sa lehitimong usapin nito sa mahabang panahon.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino