Premyer Tsino at Secretary of Commerce ng Amerika, nag-usap: ibayong pasusulungin ang relasyong Sino-Amerikano

2017-09-26 11:29:28 CRI

Beijing-Kinatagpo Setyembre 25, 2017 ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang dumadalaw na Secretary of Commerce ng Amerika na si Wilbur Ross.

Ipinahayag ni Premyer Li na nananatiling mainam ang relasyong Sino-Amerikano at pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan. Sinabi ni Li na paulit-ulit na nagkakaroon ng pag-uusap sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika, at walang tigil na pinapasulong ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa ibat-ibang antas. Aniya, bilang pinakamalaking maunlad na bansa at umuunlad na bansa sa daigdig, ang pagpapasulong ng malusog at matatag na pagtutulungan ng Tsina at Amerika ay hindi lamang angkop sa komong interes ng dalawang bansa, kundi maging komong mithiin ng komunidad ng daigdig.

Ipinahayag naman ni Ross na malawak ang prospek ng pinahigpit na relasyong Sino-Amerikano. Positibo aniya ang Amerika sa pagpapabilis ng pagtutulungang panlabas ng Tsina. Nakahanda aniya ang Amerika na magsikap, kasama ng Tsina para ibayong pasulungin ang relasyong Sino-Amerikano, batay sa pagpapalakas ng pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino