Lider ng Tsina at Biyetnam, nag-usap

2017-09-27 09:28:43 CRI

Beijing-Nakipag-usap Setyembre 26, 2017 si Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Sambayanang Tsino (CPPCC) kay Truong Thi Ngoc Anh, Pangalawang Tagapangulo ng Vietnam Fatherland Front (VFF).

Ipinahayag ni Yu na positibo ang Tsina sa pakikipagtulungan sa Biyetnam. Aniya, sa kasalukuyang taon, sa paulit-ulit na pag-uusap ng mga lider ng Tsina at Biyetnam, narating ng dalawang panig ang mga pagkakasundo hinggil sa kanilang pinapasulong na pagtutulungan sa ibat-ibang larangan. Ito aniya'y magbibigay-direksyon sa pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames sa hinaharap. Ipinahayag ni Yu na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Biyetnam para pasulungin ang malusog at matatag na bilateral na relasyon, batay sa pagpapahigpit ng estratehikong pagpapalitan, pagpapalalim ng pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan, at maayos na paglutas ng mga pagkakaiba ng palagay. Aniya, nakahanda ang CPPCC na magsikap, kasama ng VFF para pahigpitin ang pagtutulungan, at palalimin ang pagpapalitan hinggil sa karanasan ng pakikisangkot sa mga suliraning pang-estado. Ito aniya'y para gumanap ng konstruktibong papel sa pagpapasulong ng mapagkaibigang pagtutulungan ng Tsina at Biyetnam at pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ni Truong Thi Ngoc Anh na nakahanda ang VFF na pahigpitin ang mapagkaibigang pakikipagtulungan sa CPPCC para ibayong pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Biyetnam.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino