Pagdiriwang sa Ika-68 Pambansang Araw ng Tsina, idinaos sa Embahadang Tsino sa Singapore

2017-09-28 12:04:52 CRI

Idinaos Setyembre 27, 2017 ng Embahada ng Tsina sa Singapore ang resepsyon bilang pagdiriwang sa Ika-68 Pambansang Araw ng Tsina. Dumalo sa pagtitipon sina Fang Xinwen, Charge D' Affaires ng Embahadang Tsino, Janil Puthucheary, Ministro ng Edukasyon ng Singapore, at mga kinatawan mula sa ibat-ibang sektor.

Ipinahayag ni Fang na nitong 68 taong nakalipas, kapansin-pansin ang natamong tagumpay ng pambansang kaunlaran ng Tsina. Aniya, ang pagsuporta ng komunidad ng daigdig at matatag na situwasyong panrehiyon ay nagbibigay ng mainam na kondisyon para sa pag-unlad ng Tsina. Aniya, bilang isa sa mga dialogue partner ng ASEAN, ang pakikipagtulungan ng Tsina sa ASEAN ay nagsisilbing huwaran sa mga dialogue partner nito.

Ipinahayag din ni Fang na bilang bansang tagapag-organisa sa pagtutulungan ng Tsina at ASEAN, gumanap ang Singapore ng konstruktibong papel sa pagpapasulong ng kooperasyon ng dalawang panig.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino