Relasyon ng Tsina at Mongolia, isusulong

2017-09-30 14:55:34

Ipinahayag sa Beijing Biyernes, Setyembre 29, 2017 ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Mongolia. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Mongolia upang mapasulong ang malusog at matatag na pag-unlad ng komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Ani Lu, sa okasyon ng ika-68 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China, natanggap nito ang mga mensaheng pambati mula sa mga lider ng maraming bansang kinabibilangan ni Pangulong Khaltmaa Battulga ng Mongolia. Pinasalamatan aniya ito ng Tsina.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ng pangulo ng Mongolia na ang pagpapaunlad ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Mongolia at Tsina ay angkop sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino