Ika-86 na ICPO Conference, ipininid na sa Beijing

2017-09-30 15:03:46

Beijing - Ipininid Biyernes ng umaga, Setyembre 29, 2017 ang Ika-86 na Pulong ng International Criminal Police Organization (ICPO) makaraang matapos ang iba't-ibang agenda nito.

Sa nasabing apat (4) na araw na pulong, nagkaroon ang mga kinatawan ng mainit na talakayan tungkol sa binigkas na talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Buong pagkakaisa nilang ipinalalagay na ang talumpati ni Xi ay nakapagbigay ng patnubay sa pagpapasulong ng pagsasaayos ng pandaigdigang seguridad at pangangalaga sa kaligtasang pandaigdig. Ito anila ay nakakapagpatingkad ng mahalagang papel upang ibayo pang mapataas ang impluwensiya at namumunong puwersa ng ICPO.

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagpipinid, ipinahayag ni Guo Shengkun, Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina, na komprehensibong isasakatuparan ng pamahalaan at kapulisang Tsino ang diwa ng talumpati ni Xi, at aktibong isasakatuparan ang natamong bunga ng pulong.

Ayon sa ulat, idaraos sa Dubai ang Ika-87 ICPO Conference sa susunod na taon.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino