Relasyong Sino-Pilipino, lumalalim bunga ng “Belt and Road” Initiative

2017-09-30 15:06:36

Shanghai, Tsina - Ipinahayag nitong Biyernes, Setyembre 29, 2017, ni Carlos Dominguez, Kalihim ng Pinansiya ng Pilipinas, na sapul nang iharap ng Tsina ang "Belt and Road" Initiative, lumalalim nang lumalalim ang relaysong Pilipino-Sino.

Sa isang pagtitipon ng paglalahad ng kalagayang pangkabuhayan ng Pilipinas na inihandog ang araw ring iyon ng panig Pilipino, ipinakita nito sa mga mamumuhunang Tsino ang mga pagkakataong komersyal sa mga larangang gaya ng konstruksyon ng imprastruktura ng Pilipinas.

Ipinahayag ni Finance Secretary Dominguez na sa mula't mula pa'y kinakatigan ng Tsina ang konstruksyon ng imprastruktura ng Pilipinas. Aniya, nitong ilang taong nakalipas, pinaunlad ng Pilipinas at Tsina ang maraming bilateral na mekanismo, bagay na mabisang nakakapagpasulong ng pagtatatag ng matibay at mahigpit na relasyong pangkooperasyon. Nakikinabang ang kabuhayang Pilipino sa maraming pamumuhunang dala ng mga bahay-kalakal ng Tsina, dagdag pa niya.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino