Tsina at Amerika, palalakasin ang kooperasyon sa law enforcement at cybersecurity

2017-10-07 15:03:03 CRI CRI

Inilabas kahapon, Biyernes, ika-7 ng Oktubre 2017, ng Tsina at Amerika, ang magkasanib na pahayag hinggil sa mga natamong bunga ng unang Law Enforcement and Cybersecurity Dialogue ng dalawang bansa, na idinaos noong nagdaang Miyerkules.

Ayon sa pahayag, ipinangako ng Tsina at Amerika, na magkasamang buuin ang prosidyur para sa mabilis na pagpapatunay ng identidad ng mga ilegal na imigrante at pagpapabalik nila. Sinang-ayunan nilang palakasin ang kooperasyon sa pagtugis ng mga nakakatakas na kriminal ng isa't isa.

Palalakasin din ng dalawang bansa ang kooperasyon sa pagkontrol sa mga ilegal na droga at paglaban sa mga krimeng may kinalaman sa ilegal na droga. Ipinahayag din nilang patuloy na ipapatupad ang mga komong palagay hinggil sa kooperasyon sa cybersecurity, na narating ng mga lider ng dalawang bansa noong 2015.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino