516 Confucius Institute, itinatag sa 142 bansa at rehiyon

2017-10-09 10:59:14 CRI

Mula 2004 hanggang 2017, itinatag ang 516 Confucius Institute sa 142 bansa at rehiyon para ituro ang wikang Tsino at ipakita ang kulturang Tsino sa komunidad ng daigdig. Sa pag-aaral ng karanasan sa Britanya, Pransya, Alemanya, at Espanya, itinatag ang mga nasabing paaralan.

Bukod dito, itinatag din ng Tsina ang 1076 Confucius Class sa mga middle school at primary school sa buong daigdig.

Ayon kay Ma Jianfei, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Headquarter ng Confucius Institute, mahigit 7 milyong estudyante ng buong daigdig ang nag-aral minsan sa mga Confucius Institute at Confucius Class.

Sa 51 bansang kasangkot sa “Belt and Road” Initiative, itinatag ang 135 Confucius Institute at 129 Confucius Class.

Sa Pilipinas, 4 na Confucius Institute ang magkahiwalay na itinatag sa Angeles University, Ateneo de Manila University, Bulacan State University at UP Diliman.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino