Foreign exchange reserve ng Tsina, nananatiling malaki

2017-10-10 15:23:47 CRI

Ipinahayag Oktubre 9, 2017 ng namamahalang tauhan ng Bangko Sentral ng Tsina na mula noong Pebrero hanggang Setyembre ng taong ito, tuloy-tuloy na tumataas ang monthly growth ng foreign exchange reserve ng bansa. Aniya, noong Setyembre, umabot sa mahigit 3.1 trilyong dolyares ang foreign exchange reserve ng Tsina, na mas malaki ng 17 bilyong dolyares kumpara sa nagdaang Agosto.

Sinabi ng nasabing namamahalang tauhan na noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, nananatiling katam-taman ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayan ng Tsina, lumalalim ang pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan, tumataas ang kalidad at episyensya ng kabuhayan, nananatiling matatag at katam-taman ang pagbaba-taas ng exchange rate ng RMB, nananatiling matatag ang liquidity ng transnasyonal na pondo, nagiging matatag ang balance of payments, at iba pa. Aniya pa, napasulong ng mga ito ang paglaki ng foreign exchange reserve ng bansa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino