Pangulong Tsino at Ruso, bumati sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Russia-China Friendship Association

2017-10-10 15:26:49 CRI

Moscow, Rusya-Ipinagdiwang Setyembre 9, 2017 ang ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Russia-China Friendship Association.

Nang araw ring iyon, ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa pagtitipon.

Tinukoy ni Pangulong Xi na nitong 60 taong nakalipas, bilang isang mahalagang puwersa ng mapagkaibigang relasyong Sino-Ruso, gumaganap ang Russia-China Friendship Association ng positibong papel sa pagpapasulong ng pagkakaibigan at pag-uunawaan ng mga mamamayan ng Tsina at Rusya.

Binigyang-diin ng Pangulong Tsino na kung magiging mas mahigpit ang pagpapalitan ng mga mamamayang Tsino at Ruso, magiging mas matibay ang pundasyong pangkooperasyon ng Tsina at Rusya. Umaasa aniya siyang ibayong mapapasulong ang pagpapalitang di-pampamahalaan ng Tsina at Rusya, para pasulungin ang mas mataas na komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa, at lumikha ng bagong kasaysayang pangkaibigan ng dalawang bansa.

Ipinadala rin ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang mensaheng pambati sa nasabing pagtitipon.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino