Pagpapabuti ng disiplina ng CPC, nagpapasulong ng pambansang kaunlaran: dalubhasang Singaporean

2017-10-10 15:02:31 CRI CRI

Nakatakdang idaos ang Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa ika-18 ng Oktubre, 2017. Sa gaganaping pulong, ihahalal ang bagong liderato ng CPC at itatakda ang mga patakaran ng pambansang kaunlaran.

Kaugnay nito, sinabi ni Professor Zheng Yongnian, Direktor ng East Asian Institute, National University of Singapore, na nitong limang taong nakalipas sapul nang ganapin ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, walang humpay na lumalago ang kabuhayan ng Tsina at nagiging matatag ang lipunan, at para rito, ang pagpapahigpit ng CPC ng disiplina sa sarili ay gumaganap ng mahalagang papel.

Ipinahayag ni Prof. Zheng na upang mapasulong ang pambansang kaunlaran, iniharap ng CPC ang Four Comprehensives, ibig sabihin, komprehensibong itatag ang lipunan na may katamtamang kasaganaang lipunan, komprehensibong palalimin ang reporma, komprehensibong pangasiwaan ang bansa ayon sa mga batas, at palakasin ang mahigpit na disiplina sa CPC. Idinagdag pa ni Zheng na ang pagpapahigpit ng CPC ng pangangasiwa sa sarili ay tumitiyak sa mabisang pangangasiwa sa bansa. Ito aniya ay dahilan kung bakit nagawa ng pamahalaang Tsino ang mga gawain na hindi magagawa ng ibang bansa kung saan pinaiiral ang sistema ng multi-partido. Ipinaliwanag ni Zheng na sa sistema ng multi-partido malamang na mayroon lamang interes ng partido at kulang sa panlahat na pananaw para sa pambansang kaunlaran.

Ipinalalagay ni Zheng na praktikal ang CPC at pinahahalagahan nito ang aksyon. Hangad niya ang tagumpay ng gaganaping pulong.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino