Negosasyon ng Tsina at Rusya sa isyung panseguridad ng Hilagang-silangang Asya, binuksan-Tagapagsalitang Tsino

2017-10-12 11:40:17 CRI

Beijing-Ipinahayag Oktubre 11, 2017 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na binuksan kamakalawa sa Moscow, Rusya ang ika-8 negosasyon ng Tsina at Rusya hinggil sa isyung panseguridad ng Hilagang-silangang Asya.

Ani Hua, positibo ang Tsina at Rusya sa pagsasakatuparan ng ligtas na sandatang nuklear sa Peninsula ng Korea. Umaasa aniya siyang susuportahan ng mga may-kinalamang panig ang mungkahing magkasamang iniharap ng Tsina at Rusya bilang tugon sa isyung nuklear ng Hilagang Korea, batay sa “double suspension proposal” na pagtitigil ng Hilagang Korea ng nuclear activities at pagtitigil naman ng Amerika at Timog Korea ng ensayong militar, prinsipyo ng “double track,” at sa “step by step” road map, para panumbalikin ang diyalogong pangkapayapaan, sa lalong madaling panahon. Samantala, tinututulan aniya ng Tsina at Rusya ang pagtatalaga ng Amerika at Timog Korea ng THAAD system sa Peninsula ng Korea.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino