Tagumpay ng Tsina, pinapurihan ng mga dayuhan

2017-10-16 12:06:42 CRI

Beijing-Bumisita kamakailan ang mga dayuhan sa Tsina na kinabibilangan ng mga diplomata, dalubhasa, at personahe mula sa mga bahay-kalakal na pinatatakbo ng pondong dayuhan, sa eksibisyon hinggil sa tagumpay na natamo ng Tsina sa kaunlarang panlipunan at pangkabuhayan, nitong limang taong nakalipas.

Ipinahayag ni Ambassador Andrei Denisov ng Rusya sa Tsina, na sapul ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Kumunista ng Tsina(CPC),  nikikita niya ang mabilisang pag-unlad ng Tsina sa ibat-ibang larangan, lalo na sa siyensiya at teknolohiya. Aniya, gumaganap ang Tsina ng mahalagang papel sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig. Umaasa aniya siyang babalangkasin ng Ika-19 Pambansang Kongreso ng CPC na bubuksan Oktubre 18, 2017 ang mga bagong hakbang para ibayong pasulungin ang kabuhayan ng bansa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino