Xi Jinping: sosyalismong may katangiang Tsino, pumasok sa bagong panahon

2017-10-18 10:50:06 CRI CRI

Sinabi ngayong umaga, Miyerkules, ika-18 ng Oktubre 2017, sa Beijing, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na pumasok sa bagong panahon ang sosyalismong may katangiang Tsino. Ito aniya ay isang bagong “historic juncture” sa pag-unlad ng Tsina.

Dagdag ni Xi, sa bagong panahong ito, dapat pag-ibayuhin ng Tsina ang pagsisikap para sa pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas at isang modernong bansang sosyalista, dapat isakatuparan ang komong kasaganaan ng lahat ng mga mamamayan at “Chinese Dream” ng dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino, at dapat walang humpay na magbigay ng mas malaking ambag sa sangkatauhan.

Ang bagong panahon ng sosyalismong may katangiang Tsino ay isang konsepto, na nabuo nitong nakalipas na limang taon, sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, at iniharap ng Tsina sa kauna-unahang pagkakataon. Ito ay mahalaga para sa pag-unlad ng Tsina sa hinaharap.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino