Kung kikilalanin ng panig Taiwanes ang “1992 Consensus,” makikipagdiyalogo sa Mainland

2017-10-18 12:34:58

Sa kanyang ulat sa Ika-19 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), tinukoy ngayong araw, Oktubre 18, 2017, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, na ang prinsipyong "Isang Tsina" ay pundamental na pundasyon sa relasyon ng magkabilang pampang, at ang "1992 Consensus" na nagpapakita ng prinsipyong ito ay susi upang maigarantiya ang mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang. Aniya, kung lubos na kikilalanin ang katotohanang historikal ng "1992 Consensus," magkakaroon ng diyalogo ang magkabilang pampang, at hindi iiral ang anumang hadlang sa pagpapalagayan ng lahat ng partido at organisasyong Taiwanes at Mainland.

Ipinagdiinan din niya na may matatag na kalooban, sapat na kompiyansa at kakayahan ang Mainland para pigilan ang tangkang "pagsasarili ng Taiwan" sa anumang porma.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino