(Photo Story: Part 4) Mga delegado ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC

2017-10-18 14:59:06 CRI CRI

Si Du Liqun, isang nurse sa HIV/AIDS section, habang sinusuri ang isang pasyente sa Fourth People's Hospital ng Nanning sa lunsod ng Nanning, kabisera ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, timog ng Tsina noong Setyembre 18, 2017. Bilang isang manggagawang medikal sa panggagamot at pagkontrol ng HIV/AIDS sa loob ng higit isang dekada, Si Du ay ginawaran ng Florence Nightingale Medal para sa kanyang natatanging ambag sa larangan ng pangangalaga ng kalusugan noong 2015.

Ngayong taon, nahalal siya bilang delegado sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC na idinaraos sa Beijing mula Oktubre 18 hanggang 24, 2017.

Sa loob ng isang taon, 2,287 delegado ang naihalal upang lumahok sa pambansang kongreso na ginaganap kada limang taon. Ayon sa panuntunan, ang bawat nominado ay dapat maging karapatdapat sa aspektong pulitikal, ideolohikal, may kapuri-puring pamumuhay, may kakayahang makipagtalakayan sa mga pambansang usapin at matagumpay sa kanilang trabaho.

Sa hanay ng mga napiling delegado, 771 sa kanila ay mula sa hanay ng produksyon at paggawa, na kinabibilangan ng mga manggagawa, magsasaka at teknisiyan na bumubuo ng 33.7% ng kabuuang bilang. Ito ay mas malaki ng 3.2% kumpara noong nakaraang limang taon.

Ang mga delegado ay di lang mula sa tradisyonal na mga industriya gaya ng paggawa, transportasyon, bakal at karbon, kundi maging sa sektor ng pinansyoa, Internet at mga organisasyong panglipunan.

Salin: Mac
Web-edit: Jade

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino