Mga natamong bunga ng Tsina nitong 5 taong nakalipas, hinangaan ng buong daigdig

2017-10-19 10:23:59 CRI

Sa kanyang talumpati sa opening meeting ng ika-19 na National Congress ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Oktubre 18, 2017, sinariwa ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng CPC ang mga gawain ng Partido noong nakaraang limang taon.

Kaugnay nito, ipinahayag ng mga sikat na pandaigdigang personahe na noong nakaraang limang taon, natamo ng Tsina ang mga kapansin-pansing bunga sa kabuhayan, reporma, pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayan at mas mahigpit na pangangasiwa sa mga suliranin ng CPC.

Sinabi ni Hoang Binh Quan, Miyembro ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV) at Ministro ng Commission for External Relations ng CPV, na sa ilalim ng pamumuno ng CPC, natamo ng mga mamamayang Tsino ang malalaking bunga sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayan, nitong limang taong nakalipas.

Kaugnay ng pagpawi ng kahiparan at pagsasalunsod, sinabi ni Javier Miranda, Tagapangulo ng Frente Amplio, naghaharing partido ng Uruguay, na mahusay ang CPC sa nasabing dalawang isyu at natamo nito ang malaking bunga para pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.

Kaugnay ng paglaban sa korupsyon, sinabi ni Pangulong Aleksandar Vučić ng Serbia na ang gawaing ito ay nagkakaloob ng mahalagang enerhiya para sa paghahari ng CPC.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino