Mga bagong ideya, konsepto, target, at hakbangin sa report ni Xi

2017-10-19 15:17:01 CRI CRI

Sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na binuksan, Miyerkules, ika-19 ng Oktubre 2017, sa Beijing, ini-ulat ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, ang mga karanasan ng CPC sa pamamahala ng estado nitong 5 taong nakalipas, at itinakda ang pangkalahatang plano para sa pag-unlad ng Tsina hanggang sa taong 2020 at maging sa kalagitnaan ng siglong ito. Inilakip din sa report ang mga bagong ideya, konsepto, target, at hakbangin.

Batay sa pangkalahatang kalagayan ng Tsina, at pag-unlad ng bansa nitong 5 taong nakalipas sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, iniharap sa report, na pumasok sa bagong panahon ang sosyalismong may katangiang Tsino. At batay dito, iniharap ang ideyang sosyalismong may katangiang Tsino sa bagong panahon.

Sa ilalim ng bagong ideyang ito, itinakda na ang pagsasakatuparan ng dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino ay pangunahing tungkulin ng CPC, at ito rin ay patnubay sa iba't ibang usapin ng Tsina.

Inilakip sa report ang tatlong target para sa pag-unlad ng Tsina, na kinabibilangan ng pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas sa taong 2020, pagsasakatuparan ng sosyalistang modernisasyon sa taong 2035, at pagiging malakas at modernisadong bansang sosyalista sa kalagitnaan ng siglong ito. Ang huling dalawang target ay bagong iniharap, at ang mga ito ay mahalaga para sa pag-unlad ng Tsina sa mahabang panahon sa hinaharap. Sa ilalim ng mga target na ito, iniharap sa report ang maraming bagong hakbangin, na magiging kahilingan sa iba't ibang gawain ng bansa sa hinaharap.

Kaugnay naman ng mga usapin ng CPC, iniharap din sa report, na dapat igiit ang mahigpit na pangangasiwa sa partido, at walang humpay na pagpapalakas ng kakayahan ng partido sa pamamahala ng estado. Ito ay makakatulong sa mas mabuting pamumuno ng CPC sa buong bansa sa landas ng pag-unlad.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino