Habing Pinoy, itinatanghal sa Peking University

2017-10-19 18:42:35 CRI CRI

Kasalukuyang itinatanghal ang "Honed in Tradition: Philippine Weaves" sa School of Foreign Languages ng Peking University.

Sa kanyang mensaheng panalubong sa pagbubukas ng eksibit ngayong araw, Oktubre 19, 2017, sinabi ni Jose Santiago Sta. Romana, Sugo ng Pilipinas sa Tsina, na itinatampok ng eksibisyon ang likas na pagkamalikhain ng mga Pilipino at kung paano nila ipinamamalas ang mga kaugalian sa pamamagitan ng kanilang pang-araw araw na kasuotan.

Si Embahador Sta. Romana

Pahayag ni Sta. Romana, mayaman at natatangi ang kultura ng paghahabi sa Pilipinas mula sa 110 cultural communities ng bansa. Maaaring hatiin ito sa tatlong grupo, mga Kristiyano, Muslim, at Katutubo. Bawat pangkat ay may kani-kanilang istilo o debuho.

Mas malalim na kaalaman sa Kulturang Pinoy

Ibinahagi rin ng sugong Pilipino sa eksklusibong panayam ng CRI Serbisyo Filipino, na inaasahan niyang maaaring matutunan ng mga estudyante at guro sa pamantasan ang kultura at tradisyon ng Pilipinas.

Aniya, "Kapag nakita nila kunwari ang Terno, na sinusuot ng mga kababaihan sa Pilipinas, Barong Tagalog na suot ng mga lalaki (at malamang) galing ito sa abaca (at) pinya, sa tingin ko ay maiintindihan nila, lalo (pa't ngayon itinitinda) nila ang pinya sa Tsina, makikita nila na hindi lang ito pagkain kundi makakagawa ka dito ng tela na sinusuot ng mga kababaihan at kalalakihan. At yung saging kung saan makukuha ang abaca."

Dagdag niya, "Hangad din ng eksibit na magkaroon sila ng pagnanais na bumisita sa Pilipinas at makita mismo ang ating kultura doon at lalo nilang maintindihan itong tradisyon na ito."

Sa kanya namang talumpati, sinabi ni Prof. Li Shujing, Kalihim ng Komite ng Partido ng School of Foreign Languages ng Peking University (PKU) na mahaba ang kasaysayan ng pagpapalitan at pagtutulungan ng PKU at ng Pasuguan ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng Philippine Studies Program, aniya, nagkakaroon ang mga Tsino ng mas mabuti at malalim na kaalaman hinggil sa Pilipinas. At inaasahan niya ang pagkakaroon ng mas maraming aktibidad na pang-kultura sa pagitan ng dalawang panig sa hinaharap.

Si Prof. Li Shujing

Reaksyon ng mga Mag-aaral sa Eksibit

Dumalo sa pagbubukas ng eksibisyon ang mga mag-aaral na nasa unang taon ng Philippine Studies Program ng PKU. Sinabi ni Guo Chencen, "Napakaganda ng eksibit, nalaman ko ang kasaysayan ng paghahabi sa Pilipinas. Nakita ko rin ang maraming uri ng tela at sa tingin ko pinakamaganda ang Habing Ilocos dahil ito ay madaling isuot."

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino