Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC, patuloy na idinaraos

2017-10-23 10:13:58 CRI CRI

Patuloy sa Beijing ang pagdaraos ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

Hanggang kahapon, Linggo, ika-22 ng Oktubre 2017, patuloy ding idinaraos ng iba't ibang delegasyon, ang kani-kanilang pulong, kung saan tinatalakay ang hinggil sa mga dokumento ng kongreso.

Nang araw ring iyon, idinaos ng Press Center ng kongreso ang isa pang preskon. Lumahok dito sina Chen Baosheng, Ministro ng Edukasyon; Huang Shuxian, Ministro ng Suliraning Sibil; Yin Weimin, Ministro ng Yamang-tao at Social Security; Wang Menghui, Ministro ng Pabahay at Konstruksyon ng Kalunsuran at Kanayunan; at Li Bin, Ministro ng Pambansang Komisyon sa Kalusugan at Pagpapaplano ng Pamilya. Isinalaysay nila ang mga kalagayan hinggil sa paggarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.

Idinaos din ng Press Center ang mga kolektibong panayam hinggil sa reporma sa edukasyon, at modernisasyong militar ng Tsina.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino