World Leaders, bumati sa Ika-19 na CPC National Congress

2017-10-24 10:32:38

Sa okasyon ng pagdaraos ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), magkakasunod na ipinadala kamakailan ng mga dayuhang lider at partido ang mensahe bilang maringal na pagbati sa pangyayaring ito.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Kongresista at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, na sa pamumuno ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), natamo ng kabuhayang Tsino ang kapansin-pansing bunga. Tiyak aniyang maisasakatuparan ng Nasyong Tsino ang dakilang pag-ahon.

Bukod dito, ang mga dayuhang lider na gaya nina Sohibul Iman, Presidente ng Prosperous Justice Party ng Indonesia, Aye Maung, Presidente ng Rakhine Nationalities Development Party ng Myanmar, at lider ng Indonesian Democratic Party, ay magkakasunod ding nagpadala ng mensaheng pambati sa nasabing okasyon.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino