Pangulong Rodrigo Duterte, nakipagtagpo kay Chang Wanquan

2017-10-26 18:32:40

sarah

Pangulong Rodrigo Duterte, nakipagtagpo kay Chang Wanquan


Kinatagpo kahapon, sa Palasyo ng Malacanan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chang Wanquan, Kasangguni ng Estado at Ministrong ng Tanggulang Bansa ng Tsina.


Ipinahayag ni Duterte ang kanyang kasiyahan sa matagumpay na pagtatapos ng Ika-19 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, at ipinaabot niya ang pagbati kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang muling pagkakahalal bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Kumunista (CPC) ng Tsina at Tagapangulo ng Central Military Commission ng bansa.

Nananalig ani siyang, sa pamumununo ni Pangulong Xi Jinping, tiyak na matatamo ng Tsina ang mas malaking tagumpay.

Mataas aniyang pinahahalagahan ng Pilipinas ang relasyon sa Tsina, at pinasalamatan ang tulong na ipinagkaloob ng Tsina sa Pilipinas para sa konstrusyon ng bansa at paglaban sa terorismo.

Ani Duterte, nakahanda ang Pilipinas na lalo pang palalalimin ang pakikipagkaibigan at pakikipagkooperasyon sa Tsina, at maayos na hawakan ang isyu ng South China Sea sa pamamagitan ng diyalogo at pangkaibigang kooperasyon. Ito aniya ay magdudulot ng benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.


Pinarating naman ni Chang Wanquan ang pagbati ni Pangulong Xi Jinping kay Pangulong Duterte. Sinabi ni Chang na ang Tsina at Pilipinas ay kapitbansa, at nakahanda ang Tsina na magsisikap, kasama ng Pilipinas, batay sa mahalagang komong palagay na narating nina Pangulong Xi J at Pangulong Duterte.

Walang humpay aniyang palalakasin ang estratehikong pagtitiwalaan sa isa't isa, maayos na hahawakan ang pagkakaiba, walang humpay na palalawakin at palalalimin ang aktuwal na kooperasyon, para pasulungin ang malusog na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Pilipinas.




Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino