Lider ng Tsina at Rusya, nag-usap hinggil sa ibayong pagpapasulong ng estratehikong partnership

2017-10-27 15:14:15 CRI

Nag-usap Oktubre 26, 2017 sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.

Bumati si Pangulong Putin sa tagumpay na natamo ng 19th CPC National Congress at muling panunungkulan ni Xi Jinping bilang Pangkalahatang Kalihim ng CPC. Umaasa aniya siyang magtatamo ang CPC ng mas malaking tagumpay sa ibat-ibang usapin, sa pamumuno ni Pangkalahatang Kalihim Xi sa hinaharap.

Ipinahayag ni Putin na ang relasyong Sino-Ruso ay nagiging huwaran ng malalaking bansa sa daigdig. Umaasa aniya siyang hihigpit ang ugnayan ng mga liderato ng Tsina at Rusya para ibayo pang pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan, at pahigpitin ang koordinasyon sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.

Ipinahayag naman ni Pangulong Xi Jinping ang pasasalamat sa pagbati ni Pangulong Putin. Tinukoy ni Pangulong Xi na binalangkas sa 19th CPC National Congress ang pangkalahatang patakarang pangkaunlaran ng partido at estado sa hinaharap, at ito ay nagpapakita ng komong palagay ng buong CPC.

Binigyang diin ng Pangulong Tsino na bilang komprehensibong estratehikong partner ng Tsina, matatag ang determinasyon ng bansa sa pagpapalalim ng pakikipagtulungan sa Rusya. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Rusya para ibayong mapasulong ang mabunga at pragmatikong pagtutulungang Sino-Ruso. Ito aniya'y angkop sa interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa at daigdig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino