Sugo ng CPV, kinatagpo ng Pangkalahatang Kalihim ng CPC

2017-10-31 09:27:44 CRI

Beijing-Kinatagpo Oktubre 30, 2017 ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Partido Kumunista ng Tsina (CPC) si Hoang Binh Quan, Sugo ni Pangkalahatang Kalihim Nguyen Phu Trọn ng Partido Kumunista ng Vietnam (CPV).

Sa liham na pambati kay Pangkalahatang Kalihim Xi, ipinahayag ni Pangkalahatang Kalihim Nguyen ang pagpapahalaga sa tagumpay ng 19th CPC National Congress. Nananalig aniya siyang tiyak na maisasakatuparan ng mga mamamayang Tsino ang target sa pagtatatag ng masagana, demokratiko, at malakas na sosyalismong estado ng Tsina, sa pamumuno ng CPC na pinamumunuan ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping, at gaganap ito ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon at daigdig. Nakahanda aniya ang Biyetnam na magsikap, kasama ng Tsina para ibayo pang pasulungin ang relasyong Sino-Biyetnames.

Ipinahayag naman ni Pangkalahatang Kalihim Xi ang pasasalamat sa pagbati ng lider ng CPV. Binigyang-diin niyang igigiit ng bagong liderato ng CPC ang patakaran ng mapagkaibigang pakikipagtulungan sa Biyetnam. Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang mga liderato ng partido at estado ng Tsina at Biyetnam para pasulungin ang matatag, malusog at pangmatagalang pag-unlad ng pagtutulungan ng dalawang panig, batay sa pagpapahigpit ng pagtitiwalaang pampulitika, pagpapalalim ng estratehikong pagpapalitan, pagpapatupad sa narating na napagkasunduan, at maayos na paglutas sa mga may-kinalamang isyu.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino