Sugo ng LPRP, kinatagpo ng Pangkalahatang Kalihim ng CPC

2017-10-31 09:24:42 CRI

Beijing-Kinatagpo Oktubre 30, 2017 ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Partido Kumunista ng Tsina (CPC) si Sounthone Xayachack, Sugo ni Pangkalahatang Kalihim Boungnang Vorachith ng Laos People's Revolutionary Party (LPRP).

Sa liham na pambati kay Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping, ipinahayag ni Pangkalahatang Kalihim Boungnang Vorachith ang pagpapahalaga sa tagumpay ng 19th CPC National Congress. Nananalig aniya siyang tiyak na matatamo ng mga mamamayang Tsino ang tagumpay sa sosyalismong konstruksyong may katangiang Tsino, sa pamumuno ng CPC na pinamumunuan ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping. Nakahanda aniya ang Laos na magsikap, kasama ng Tsina para ibayong mapasulong ang pagtutulungang Sino-Laotian.

Ipinahayag naman ni Pangkalahatang Kalihim Xi ang pasasalamat sa pagbati ng kanyang Laotian counterpart. Binigyang-diin niyang magsisikap ang liderato ng CPC, kasama ng kanyang Laotian counterpart para pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Laos, batay sa patakaran ng “pangmatalagang katatagan, mapagkaibigang kapitbansa, lubusang pagtitiwalaan, at komprehensibong pagtutulungan”, at sa diwa ng “mainam na kapitbansa, mainam na kaibigan, mainam na comrade, at mainam na partner.”

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino