Pangalawang Prime Minister ng Tsina at Rusya, nag-usap

2017-10-31 15:21:45 CRI

Chongqing, Tsina-Nag-usap Oktubre 30, 2017 si Wang Yang, Pangalawang Premyer ng Tsina at kanyang Russian counterpart na si Dmitri Rogozin. Ito ay para sa gagawing 22nd Prime Ministers' Regular Dialogue ng Tsina at Rusya. 

Ipinahayag ni Wang na muling nagiging mainit ang kalakalan ng Tsina at Rusya sa taong ito. Aniya, matatag na sumusulong ang mga estratehikong proyektong pangkooperasyon ng dalawang panig sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng enerhiyang nuklear, imprastruktura, abiyasyong sibil, at iba pa. Nagsisikap aniya ang dalawang panig para mapalawak ang mga bagong oportunidad ng kooperasyon.

Ipinayayag naman ni Rogozin na handa na ang Rusya na magsikap, kasama ng Tsina para makamit ang mas maraming bunga sa ibat-ibang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang panig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino