Magkasanib na pagsasanay ng pagliligtas sa karagatan ng Tsina't ASEAN, nagsimula

2017-10-31 15:32:30 CRI CRI

Nagsimula ngayong araw, Oktubre 31, 2017 ang Tsina at anim na bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kinabibilangan ng Brunei, Cambodia, Laos, Myanmar, Pilipinas at Thailand ng magkasanib na pagsasanay ng paghahanap at pagliligtas sa karagatan sa Zhanjiang, baybaying lunsod sa lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina.

Kalahok sa nasabing pagsasanay ang humigit-kumulang 1,000 katao, 20 bapor at tatlong eroplano.

Ang pagsasanay na ito ay isa pang hakbangin na isinagawa ng Tsina at mga bansang ASEAN para mapahigpit ang pagtutulungan sa paghahanap at pagliligtas sa karagatan, batay sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC). Nauna rito, isinagawa ng Tsina at mga bansang ASEAN ang katulad na sand table drill noong Setyembre, 2016.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino