Tsina, positibo sa paglilipat ng Kambodya ng mga suspek sa Tsina-Tagapagsalitang Tsino

2017-11-01 11:32:50 CRI

Ayon sa pamahalaan ng Kambodya, isang kaso ng transnational telecom fraud ang natuklasan kamakailan sa bansa. 

Ipinahayag nito na 61 suspek na Tsino, na kinabibilangan ng 19 taga-Taiwan ang nilipat sa mainland ng Tsina.

Kaugnay nito, ipinahayag Oktubre 31, 2017 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pinahahalagahan ng Tsina ang suporta ng Kambodya sa “Patakarang Isang Tsina.” Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapahigpit ng dalawang panig ang pagtutulungan sa paglaban sa transnasyonal na krimen.

Aniya pa, iimbestigahan at paparusahan ng pamahalaan ng Tsina ang mga pinaghihinalaan, alinsunod sa batas para totohanang pangalagaan ang dinigdad ng batas at interes ng mga mamamayan. Nananalig aniya siyang susuportahan ito ng sambayanang Tsino ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits at komunidad ng daigdig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino