Science fiction theme park, papasinayaan sa Tsina

2017-11-01 16:04:03 CRI CRI

Papasinayaan sa Disyembre, 2017, ang kauna-unahang science fiction theme park sa Guiyang, punong lunsod ng lalawigang Guizhou sa dakong timog-kanluran ng Tsina.

Matatagpuan sa itatatag na theme park ang istatuwa ng transformer na may taas na 53 metro at yari sa 750 toneladang steel. Masasabing ito ang pinakamatangkad at pinakamahal na istatuwa ng transformer sa daigdig na nagkakahalaga ng 100 milyong yuan RMB (mga 16 na milyong US dollar).

Ang nasabing 33.33 hektaryang (500 mu, Chinese unit na panukat; isang hektarya ay katumbas ng 15 mu) theme park na nagtatampok sa virtual reality (VR) ay unang yugto ng konstruksyon ng Science Fiction Valley sa Guizhou. Sa kabuuan ang valley ay may lawak na 133.33 hektarya (2,000 mu) na nagkakahalaga ng 10 bilyong yuan RMB (1.6 bilyong US dollar).

Ang 100 hektaryang (1,500 mu) ikalawang yugto ay magtatampok sa "entertainment industrial cluster" ng pagdedebelop at paggamit ng teknolohiya ng science fiction.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino