22nd China-Russia Prime Ministers' Meeting, sinimulan

2017-11-02 12:10:37 CRI

Beijing-Idinaos unang araw ng Nobyembre, 2017 ang Ika-22 Regular na Diyalogo ng mga Prime Minister ng Tsina at Rusya. Magkasamang pinanguluhan ang pagtitipon nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya.

Ipinahayag ni Premyer Li ang pag-asang ibayo pang mapapalakas ang pagtutulungan ng Tsina at Rusya sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng pagdedebelop ng potensyal na pangkooperasyon, pagpapalawak ng pamumuhunan, pagpapasulong ng trade convenience, pagpapabuti ng estrukturang pangkalakalan, pagpapalakas ng pagtutulungan sa inobasyon, pagpapahigpit ng people to people exchanges, lalo na sa pagitan ng mga kabataan, at iba pa. Ito aniya'y para sa mas magandang hinaharap ng relasyong Sino-Ruso.

Ipinahayag naman ni Punong Ministro Medvedev ang pag-asang mapapalakas ang pagtutulungan ng Tsina at Rusya sa ibat-ibang larangan, na gaya ng enerhiya, imprastruktura, agrikultura, abyasyon, pinansya, at iba pa, para pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa. Samantala, nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang PM hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.

Bukod dito, nilagdaan din ng dalawang panig ang “Magkasanib na Komunike ng 22nd Prime Ministers' Meeting ng Tsina at Rusya,” at mga dokumento ng bilateral na pagtutulungan sa mga larangang kinabibilangan ng pamumuhunan, enerhiya, kultura, agrikultura, pinansya at iba pa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino