Pangulo ng Tsina at PM ng Rusya, nag-usap: ibayong palalakasin ang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan

2017-11-02 12:12:25 CRI

Beijing-Nakipag-usap unang araw ng Nobyembre, 2017 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay dumadalaw na Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya.

Ipinahayag ni Pangulong Xi ang pag-asang mapapatingkad ang koordinadong papel ng Regular Prime Ministers' Meeting ng Tsina at Rusya. Aniya, inaasahang mapapahigpit ng dalawang panig ang pagtutulungan sa enerhiya, agrikultura, equipment manufacturing, at abyasyon. Dagdag pa niya, bilang bagong economic growth point, inaasahang palalakasin ng dalawang panig ang pagtutulungan sa larangan ng digital economy, na gaya ng big data, internet of things, smart city, at iba pa.

Ipinahayag naman ni Punong Ministro Medvedev na nagkaroon si Pangulong Xi ng matagumpay na pagdalaw sa Rusya sa taong ito, at nananatiling mabunga ang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na palakasin ang komprehensibong pakikipagtulungan sa Tsina, at pahigpitin ang pagpapalitan at koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino