Unang China International Import Expo, gaganapin sa Shanghai

2017-11-03 10:38:13

Ayon sa isang news briefing na idinaos Huwebes, Oktubre 2, 2017, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, gaganapin sa Shanghai mula ika-5 hanggang ika-10 ng Nobyembre, 2018, ang unang China International Import Expo. Sa panahong iyon, lalahok sa ekspo ang mga bahay-kalakal mula mahigit isang daang (100) bansa't rehiyon.

Noong Mayo 2017, ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa "Belt and Road" Forum for International Cooperation (BRF), na mula taong 2018, itataguyod ng bansa ang China International Import Expo.

Napag-alamang lalampas sa 240 libong square meter ang kabuuang saklaw ng display area ng ekspong ito.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino