Tsina at Malaysia, nagtutulungan upang mahubog ang mga railway talent

2017-11-03 11:18:13

Lumagda Huwebes, Oktubre 2, 2017, ang China Communications Construction Company Ltd. (CCCC) at Universiti Malaysia Pahang (UMP) sa kasunduan upang magkasamang isagawa ang proyektong pangkooperasyon sa paghubog ng mga railway talent. Layon ng proyektong ito na pasulungin ang konstruksyon ng proyekto ng daam-bakal ng Tsina at Malaysia at paunlarin ang rail transit ng Malaysia.

Ipagkakaloob ng CCCC ang pondo sa nasabing proyekto, at isasagawa naman ng UMP ang proyektong ito. Ayon sa pagtaya, hanggang taong 2022, mahuhubog ng proyekto ang halos 3,600 trainee.

Sa seremonya ng paglalagda, ipinahayag ni Haji Idris bin Jusoh, Ministro ng Edukasyon ng Malaysia, ang pasasalamat sa mga kalahok sa proyektong kinabibilangan ng CCCC, at iba pa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino