Pagdalaw ng Pangulong Amerikano sa Tsina, ika-8 hanggang ika-10 ng Nobyembre

2017-11-04 17:40:44 CRI CRI

Sinabi kahapon, Biyernes, ika-3 ng Nobyembre 2017, sa Beijing, ni Pangalawang Ministrong Panlabas Zheng Zeguang ng Tsina, na sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping, isasagawa ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang dalaw-pang-estado sa Tsina, mula ika-8 hanggang ika-10 ng buwang ito. Sa kasalukuyan aniya, maayos ang paghahanda para sa pagdalaw na ito.

Sinabi ni Zheng, na isang mahalagang pangyayari ang pagdalaw ng Pangulong Amerikano sa Tsina, lalo't katatapos lamang ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina.

Ani Zheng, sa ilalim ng kasalukuyang malalim at masalimuot na pagbabago sa kalagayang pandaigdig, ang pagtatagpo ng mga lider na Tsino at Amerikano ay mahalaga para sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Ito rin aniya ay makakatulong sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng Asya-Pasipiko, at buong daigdig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino