Ika-54 na Pulong ng Asia-Pacific Broadcasting Union, binuksan

2017-11-04 18:39:59 CRI CRI

Ika-54 na Pulong ng Asia-Pacific Broadcasting Union, binuksan

Binuksan kahapon, Biyernes, ika-3 ng Nobyembre 2017, sa Chengdu, Tsina, ang Ika-54 na Pulong ng Asia-Pacific Broadcasting Union (ABU).

Sa kanyang talumpati sa seremoya ng pagbubukas, binigyang-diin ni Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina, na dapat magpatingkad ng malaking papel ang mga media, para palalimin ang pag-uunawaan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa, at palakasin ang pagkakaibigan ng iba't ibang bansa. Ito aniya ay mahalaga para sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaging kinabukasan ng sangkatauhan, pagpapasulong sa magkakasamang pangangasiwa ng daigdig, at kapayapaan, kasaganaan, at kaunlaran ng daigdig.

Kalahok sa 6-araw na pulong na ito, ang mahigit 600 kinatawan mula sa mga media ng mahigit 60 bansa at rehiyon, at 9 na organisasyong pandaigdig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino