Kompanyang Tsino, ipinalabas ang bagong henerasyon ng artificial intelligence chip

2017-11-07 16:27:30 CRI CRI

Ipinalabas kahapon, Lunes, ika-6 ng Oktubre 2017, sa Beijing, ng Cambricon Technologies Corp. Ltd., kompanyang pinoponduhan ng Chinese Academy of Sciences, ang bagong henerasyon ng artificial intelligence chip, na sarilinang naidebelop at niyari ng kompanyang ito.

Magagamit ang chip na ito sa malawak na larangan ng artificial intelligence na gaya ng image recognition, security surveillance, intelligent drive, unmanned aerial vehicle, speech recognition, natural language processing, at iba pa.

Sinabi ni Chen Tianshi, CEO ng Cambricon Technologies, na umaasa ang kanyang kompanya, na makakatulong ang naturang chip sa pagiging ibayo pang kompetetibo ng industriya ng artificial intelligence ng Tsina sa daigdig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino