Tiankun sand-digging ship, hindi para sa land reclamation--tagapagsalitang Tsino

2017-11-08 18:17:19 CRI

Kaugnay ng pagpapatakbo ng Tiankun sand-digging ship ng Tsina, tinukoy ngayong araw, Miyerkules, ika-8 ng Nobyembre 2017, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang naturang barko ay isa lamang bunga ng pagdedebelop at paggawa ng kasangkapan sa paghuhukay ng bansa. Wala aniya itong direktang kinalaman sa land reclamation, na binanggit ng iilang dayuhang media.

Nanawagan si Hua sa mga media, na obdyektibo at makatwirang pakitunguhan ang pag-unlad ng teknolohiya at kakayahan ng Tsina sa inhinyariya. Umaasa aniya siyang hindi lalabis ang reaksyon ng mga media sa may kinalamang isyu.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino