Mga Pangulong Tsino at Amerikano, magkasamang humarap sa mga mamamahayag

2017-11-10 08:45:50

Great Hall of the People, Beijing - Magkasamang humarap Huwebes, Nobyembre 9, 2017, sa mga mamamahayag sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika.

Tinukoy ni Pangulong Xi na nitong 2 araw na nakalipas, malaliman silang nagpalitan ng kuru-kuro tungkol sa relasyong Sino-Amerikano at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan. Narating aniya ng dalawang panig ang isang serye ng bagong komong palagay hinggil sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap. Naging konstruktibo ang kanilang pagtatagpo at nakuha ang malaking bunga, aniya pa.

Nang mabanggit ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, ani Xi, ipinalalagay ng dalawang lider na bilang dalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig at puwersang tagapagpasulong sa kabuhayang pandaidig, dapat palakasin ng Tsina at Amerika ang kooperasyong pangkalakalan at pampamumuhunan, at dapat ding pasulungin ang malusog, matatag, at balanseng pag-unlad ng kanilang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.

Kaugnay ng isyung nuklear ng Korean Peninsula, tinukoy ng pangulong Tsino na inulit ng dalawang panig na buong tatag na magsisikap para maisakatuparan ang target na walang-nuklear na Korean Peninsula at mapangalagaan ang sistema ng di-pagpapalaganap ng sandatang nuklear sa daigdig.

Ipinagdiinan pa ni Xi na ang ginawang state visit ni Pangulong Trump sa Tsina ay isang matagumpay at historikal na biyahe. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Amerikano, upang mapasulong pa ang relasyong Sino-Amerikano at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa at buong daigdig.

Ipinahayag naman ni Trump na sa kasalukuyan, may walang-katulad na magandang pagkakataon ang Amerika at Tsina sa pagpapalakas ng kanilang bilateral na relasyon. Nakahanda aniya ang panig Amerikano na paunlarin kasama ng panig Tsino, ang pantay, may mutuwal na kapakinabangan, at malakas na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino