Pangulong Tsino, dumalo sa Ika-25 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng APEC

2017-11-11 21:08:16

Da Nang, Biyetnam - Idinaos Sabado, Nobyembre 11, 2017, ang Ika-25 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Dumalo at bumigkas ng talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ipinagdiinan niya na dapat patuloy na pasulungin ng iba't-ibang panig sa rehiyong Asya-Pasipiko ang inobasyon, dapat buong tatag na palawakin ang pagbubukas sa labas, dapat aktibong isagawa ang inclusive development, at dapat ding walang humpay na payamanin ang nilalaman ng partnership upang mapasulong ang bagong round ng kaunlaran at kasaganaang pandaigdig.  

Pinanguluhan ang nasabing pulong ni Pangulong Tran Dai Quang ng Biyetnam. Ang tema ng pulong sa kasalukuyang taon ay “Paglikha ng Bagong Puwersang Tagapagpasulong, at Magkakasamang Paglikha ng Kinabukasan.” Malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok na lider ng iba't-ibang ekonomiya tungkol sa mga temang gaya ng inobasyon at paglaki, inklusibo at sustenableng hanap-buhay, at magkakasamang paglikha ng magandang kinabukasan.  

Pangulong Tsino, dumalo sa Ika-25 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng APEC

Tinukoy ni Pangulong Xi na nitong tatlong taong nakalipas, unti-unting umaahon ang kabuhayang pandaigdig, at lumalakas din ang kompiyansa ng iba't-ibang panig. Dapat aniyang magkakasamang umaksyon ang iba't-ibang panig ng rehiyong Asya-Pasipiko upang mapasulong ang bagong round ng kaunlaran at kasaganaang pandaigdig.  

Pangulong Tsino, dumalo sa Ika-25 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng APEC

Ipinahayag naman ng mga kalahok na lider na sa kasalukuyan, umaahon ang kabuhayang pandaigdig, ngunit umiiral pa rin ang panganib at hamon. Dapat anilang pasulungin ng iba't-ibang panig sa rehiyong ito ang konstruksyon ng konektibidad, at pasulungin ang proseso ng malayang sonang pangkalakalan, at dapat ding pasulungin ang integrasyon ng kabuhayang panrehiyon. Inulit din nila na dapat katigan ang sistema ng multilateral na kalakalan, at pasulungin ang inklusibong pag-unlad.  

Ipinalabas sa pulong ang “Deklarasyon ng Ika-25 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng APEC.”

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino