Pangulong Tsino, nakausap ang Vietnamese PM

2017-11-11 21:14:53

Da Nang, Biyetnam - Sa kanyang pakikipagtagpo Sabado, Nobyembre 11, 2017, kay Punong Ministro Nguyễn Xuân Phúc ng Biyetnam, ipinahayag ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, ang pakikiramay sa malaking kapinsalaan ng kasuwalti at ari-arian na dulot ng grabeng bagyo sa dakong gitna at timog ng Biyetnam. Ipinagdiinan niya ang pananalig na sa ilalim ng pamumuno ng partido at pamahalaang Biyetnames, tiyak na mapagtatagumpayan ng mga mamamayang Biyetnames ang kalamidad. Kakatigan aniya ng panig Tsino ang disaster relief work ng Biyetnam.

Tungkol sa relasyong Sino-Biyetnames, tinukoy ng pangulong Tsino na sa kasalukuyan, nananatiling mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Lubos aniyang pinahahalagahan ng panig Tsino ang relasyon sa Biyetnam. Sa pamamagitan ng biyaheng ito, inaasahan ni Xi na malalimang makikipagpalitan ng kuru-kuro sa mga lider ng Biyetnam hinggil sa relasyon ng dalawang bansa at mga isyung kapwa nila pinahahalagahan, dagdag pa niya.

Ipinahayag naman ni Nguyễn Xuân Phúc ang pagpapahalaga sa tradisyonal na pagkakaibigang Biyetnames-Sino. Aniya, ang pagpapataas ng lebel ng relasyong Biyetnames-Sino ay preperensyal na pagpili ng partido at pamahalaan ng kanyang bansa. Pinasalamatan din ng panig Biyetnames ang ibinibigay na tulong ng Tsina. Umaasa ang Biyetnam na mapapalakas ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa mga larangang gaya ng pamumuhunan, kalakalan, kakayahan ng produksyon, siyensiya't teknolohiya, agrikultura, koryente, at konstruksyon ng imprastruktura., dagdag pa niya.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino