Premyer Tsino, nasa Manila

2017-11-12 19:14:56

Dumating kaninang hapon, Nobyembre 12, 2017 sa Manila si Premyer Li Keqiang ng Tsina para isagawa ang opisyal na pagdalaw sa Pilipinas.

Sa kanyang pananatili sa Manila, dadalo siya sa dumalo sa ika-20 pulong ng mga lider ng Tsina at ASEAN (10+1), ika-20 pulong ng mga lider ng Tsina, Timog Korea, Hapon at ASEAN (10+3), at ika-12 East Asia Summit (EAS).

Sa paliparan, ipinahayag ni Li na nakahanda ang Tsina na pahigpitin, kasama ng mga bansang ASEAN, ang kooperasyon at pagkokoordinahan para magkasamang ilikha ang mas magandang kinabukasan.

Kaugnay ng relasyong Sino-Pilipino, sinabi ni Li na sa kasalukuyan, nananatiling malusog at matatag ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Ito aniya ay angkop sa komong kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.

Nakahanda aniya siyang talakayin, kasama ng mga lider ng Pilipinas, ang kung papaanong ibayo pang pahihigpitin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa at palalalimin ang mga kooperasyon na may mutuwal na kapakinabangan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino