Pangulo ng Tsina at Laos, nag-usap: ibayo pang pagpapatibay ng tradisyonal na pagkakaibigan

2017-11-14 10:18:44 CRI

Vientiane, Laos-Nag-usap Nobyembre 13, 2017 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Bounnhang Vorachith ng Laos.

Ipinahayag ng dalawang lider ang pag-asang mapapasulong pa ang pangmatagalang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa, batay sa diwa ng mainam na kapitbansa, kaibigan, comrade, at partner. Ipinalalagay nilang ang pagtatatag ng estratehikong komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Laos ay angkop sa komong mithiin at interes ng dalawang partido, dalawang estado, at mga mamamayan nito. Positibo ang dalawang lider sa pinabilis na ugnayan ng “Belt and Road Initiative” na itinataguyod ng Tsina at ang estratehiya ng Laos na baguhin ang bansa mula sa pagiging "land-locked" country at gawing "land-linked" na bansa.

Nang araw ring iyon, magkasamang dinaluhan ng dalawang lider ang seremonya ng paglalagda sa mga dokumentong pangkooperasyon ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan, gaya ng agrikultura, imprastruktura, pinansya, at iba pa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino