Xi Jinping, nakipagtagpo sa dating lider ng Laos

2017-11-14 15:21:26 CRI

Vientiane, Laos-Nag-usap Nobyembre 13, 2017 sina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at dating Pangulong Choummaly Sayyasone ng Laos.

Ipinahayag ni Pangulong Xi ang pagpapahalaga sa mahalagang ambag ni Ginoong Choummaly sa pagpapasulong ng pagtutulungan at tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Laos.

Ipinahayag ni Pangulong Xi na nagpatibay ang biyaheng ito sa determinasyon ng dalawang panig sa pagtatatag ng estratehikong komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran, para ibayo pang pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa hinaharap.

Ipinahayag naman ni Ginoong Choummaly ang pag-asang ibayo pang mapapasulong ang pagtutulungan at pagpapalitan ng dalawang partido at estado, para palalimin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang panig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino