ASEAN at Tsiuna, may kakayahang sariling pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa SCS — Victor Corpuz

2017-11-14 16:19:24 CRI

Lunes ng hapon, Nobyembre 13, 2017, sa Pulong ng mga Lider ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) (10 1) na idinaos sa Manila, Pilipinas, ipinatalastas ng Tsina at mga bansang ASEAN ang pormal na pagsisimula ng pagsasanggunian sa balangkas ng "Code of Conduct (COC) in the South China Sea." Kaugnay nito, ipinahayag ni Victor Corpuz, retired Armed Forces of the Philippines Brig. General, na ang pagsisimula ng naturang pagsasanggunian ng dalawang panig ay nagpapakitang may kakayahan ang mga bansang ASEAN at Tsina na sariling pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea.

Ipinalalagay niya na noong isang taon, humupa ang tensyon sa situwasyon ng South China Sea na mayroong itong maraming sanhi. Aniya, sa unang dako'y nagbago ang patakaran ng kasalukuyang pamahalaang Pilipino; sa kabilang dako, palagiang iginigiit ng Tsina ang prinsipyong dapat lutasin ang hidwaan sa karagatang ito sa pamamagitan ng bilateral na diyalogo at pagsasanggunian upang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea. Kasunod ng pagbuti ng relasyong Pilipino-Sino, nagiging matatag ang situwasyon sa karagatang ito, aniya pa.

Sa pananaw ni Victor Corpuz, sa isyu ng South China Sea, dapat igiit ng Pilipinas ang ideya ng win-win, at dapat ding lutasin ang pagkakaiba ng dalawang panig sa pamamagitan ng diyalogo.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino