Premyer ng Tsina at Punong Ministro ng Australia, nag-usap: pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, isusulong

2017-11-15 16:15:01 CRI

Manila, Pilipinas-Nag-usap Nobyembre 14, 2017 sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Malcolm Turnbull ng Australia.

Ipinahayag ni Premyer Li na ang regular na taunang diyalogo ng mga punong ministro ng dalawang bansa ay gumaganap ng konstruktibong papel sa pagpapasulong ng pagtutulungan ng Tsina at Australia. Aniya, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Australia para ibayo pang mapalawak ang dibidendong dulot ng kasunduan sa malayang kalakalan (FTA) ng dalawang bansa, batay sa prinsipyo ng free trade, at mapalawak ang bukas na kalakalan at pamumuhunan, upang pasulungin ang sustenableng pag-unlad ng globalisasyong pangkabuhayan. 

Ipinahayag naman ni Turnbull na malaki ang potensyal ng pagtutulungan ng Tsina at Australia. Suportado aniya ng Tsina at Australia ang malayang kalakalan. Nakahanda rin aniya ang Australia na magsikap, kasama ng Tsina para ibayo pang pasulungin ang relasyong Sino-Australian, batay sa pagpapahigpit ng pagtutulungan sa kabuhayan, kalakalan, e-commerce, law-enforcement, at iba pa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino