Premyer ng Tsina at Presidente ng European Council, nag-usap: kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng daigdig, isusulong

2017-11-15 16:20:34 CRI

Manila, Pilipinas-Sa pakikipag-usap Nobyembre 14, 2017 kay Donald Franciszek Tusk, Presidente ng European Council, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang pag-asang bilang malahagang puwersa sa pangangalaga sa katatagan at kaunlarang pangkabuhayan ng daigdig, mapapasulong ng Tsina at Unyong Europeo(EU) ang talastasan hinggil sa kasunduan ng pamumuhunan, at mapapalakas ang people-to-people exchanges, para ipagpatuloy ang mainam na tunguhing pangkaunlaran ng pagtutulugnan ng dalawang panig. Samantala, umaasa rin aniya siyang malulutas ang mga isyung naiwan ng dalawang panig, sa pamamagitan ng mas matalinong paraan.

Umaasa si Li na tutupdin ng EU ang Article 15 ng Protocol hinggil sa Paglahok ng Tsina sa World Trade Organization(WTO), at igagaratiya ng EU ang pagbalangkas ng mga investment legislation, alinsunod sa mga may-kinalamang regulasyon ng WTO. Ito aniya'y makakatulong sa pangangalaga sa trade facilitation ng daigdig. 

Ipinahayag naman ni Tusk na magsisikap ang EU, para tupdin ang komong palagay na narating nito, kasama ng Tsina, ibayo pang pabutihin ang pakikipagtulungang pangkabuhayan at pangkalakalan sa Tsina, palakasin ang people-to-people exchanges, at pahigpitin ang pagtutulungan sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino