Public bidding para sa venue construction ng 2022 Winter Olympics and Paralympics sa Yanqing, sinimulan

2017-11-18 16:19:39 CRI

Inilabas kahapon, Biyernes, ika-17 ng Nobyembre 2017, ang public bidding para sa konstruksyon ng mga venue ng 2022 Winter Olympic and Paralympic Games, sa Yanqing, isang dakong labas na distrito ng Beijing.

Sa balangkas ng public-private partnerships, ang naturang pagbibiding ay naglalayong hikayatin ang mga pribadong puhunan at katuwang sa konstruksyon ng mga venue, na kinabibilangan ng Olympic Village at isang media center sa kabundukan sa Yanqing.

Bilang isang distrito ng Beijing na may masaganang yaman ng niyebe, ang Yanqing ay isa sa mga host site ng 2022 Winter Olympic and Paralympic Games. Gaganapin dito ang mga aytem ng alpine skiing, bobsleigh, luge, at iba pa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino