Joint humanitarian assistance and disaster relief drill ng Tsina at Amerika, idinaos

2017-11-18 18:17:40 CRI

Sinimulan nitong Huwebes, local time, ika-16 ng Nobyembre 2017, sa Camp Rilea ng US National Guard sa Oregon State, Amerika, ang joint humanitarian assistance and disaster relief drill ng Tsina at Amerika.

Ang pagsasanay na ito ay idinaos batay sa narating na komong palagay ng mga lider ng Tsina at Amerika. Layon nitong palakasin ang kakayahan at pagtutulungan ng mga tropa ng dalawang bansa, para sa makataong tulong at operasyong panaklolo sa panahon ng kalamidad.

Kalahok dito ang mahigit 200 tauhan mula sa mga tropang Tsino at Amerikano, at itinanghal sa pagsasanay ang mahigit 100 kagamitan ng dalawang panig para sa operasyong panaklolo.

Nagpadala naman ng mga tagamasid sa pagsasanay ang ilang bansa, na gaya ng Pilipinas, Singapore, Hapon, Bangladesh, at Kanada.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino