Tsina, ipinagkaloob ang pangkagipitang makataong tulong sa Republic of Congo

2017-11-19 15:45:40

Ipinatalastas nitong Biyernes, Nobyembre 17, 2017 ng Embahadang Tsino sa Republic of Congo ang pagkakaloob  nitong 6 na milyong Dolyares na pangkagipitang makataong tulong sa bansang naturan.

Sa news briefing, ipinahayag ng Embahador Tsino na si Xia Huang na ang nasabing pondo ay gagamitin sa pagpapahupa sa makataong krisis na dulot ng kaguluhan sa lalawigang Pool ng bansang ito.

Pinasalamatan naman ni Antoinette Dinga Djondo, Ministro ng Social Affairs, Humanitarian Action and Solidarity ng Cango, ang tulong ng pamahalaang Tsino. Nananalig aniya siyang makakalikom ng sapat na pondo para sa lutasin ang makataong krisis.

Hinangaan din ng mga kinatawan ng World Food Program (WFP) at United Nations Refugee Agency ang nasabing kapasiyahan ng Tsina. Sinabi pa nilang ang inabuloy na pondo ay pinakamarami sa mga pondo na tinanggap ng Congo para malutas ang makataong krisis.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino